Dagupan City – Naghahanda na ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa papalapit na National, Local and BARMM Elections 2025.
Ayon kay Ms. Anna Singson, Executive National Director ng PPCRV, puspusan na ang kanilang paghahanda para sa darating na halalan.
Kabilang sa kanilang mga hakbang ay ang pagtiyak na eksaktong tumutugma ang mga resulta ng mga makina sa mga transmitted na boto, upang masiguro ang integridad ng bawat boto.
Dito rin ibinahagi ni Singson ang mga kinakailangang katauhan ng isang responsableng botante at responsableng kandidato.
Kung saan sa Command Center ay aktibong nagtutulungan ang mga volunteer sa pagbibigay ng voter education. Itinuturo dito ang kahalagahan ng mga tamang values sa pagboto, pati na rin ang pagiging mapanuri sa mga impormasyong makikita sa social media.
Dagdag pa ni Singson, mas malaki na ang tsansang maiwasan ang maling pagboto dahil sa bagong sistema kung saan makikita na mismo sa screen ang mga kandidatong ibinoto bago ito ma-finalize.
Isa naman sa mga ibinahagi nito sa mga katangian ng dapat iboto ng mga tamang kandidato: Una ay dapat Makadiyos, dahil kung ang kandidato ay may takot sa Diyos, malamang ay may paninindigan at prinsipyo ito. Matapat, kung saan ay hindi dapat ito namimili ng boto.
Pangatlo ay Magalang, ani Singson, dapat may respeto ang kandidato sa kapwa. Pang-apat ay ang pagkakaroon ng malasakit sa publiko, gaya na lamang ng puso para sa pagseserbisyo sa bayan. Hindi rin dapat naalis aniya ang pagiging isang Servant Leader na may katanginang maglingkod na masigasig at handang magsakripisyo para sa ikabubuti ng nakararami.
Hinggik naman sa pagharap sa Nuisance Candidates, nilinaw ni Singson na mahalagang mabigyan ng sapat na oras at mabigyan ng patas na pagkakataon sa media at gamitin ang social media bilang isang “great equalizer” sa pagkuha ng impormasyon tungkol sa mga kandidato.
Isa naman sa mga hamon bna kinakaharap ng mga ito sa halalan ay ang pagkakaroon ng sapat na budget para sa kanilang operasyon.
Bukod dito, tinututukan din ang kaligtasan at seguridad ng mga volunteers. Layunin ng PPCRV na makamit ang isang halalang “CHAMP” – clean, honest, accurate, meaningful, at peaceful.
Samantala, nananawagan naman ang mga ito sa publiko na maging mapanuri at aktibo sa kanilang pagboto upang makamit ang isang makabuluhang halalan. Habang bukas naman ang PPCRV sa pagtanggap pa ng karagdagang voluntees, ngunit kailangang tiyakin na ang bawat volunteer ay patas at walang kinikilingan sa anumang kandidato.