Ikinalungkot ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) Pangasinan na nagiging kultura na at kalakaran sa tuwing election ang nangyayaring bigayan ng pera o vote buying.

Ayon kay Fr. Stephen Espinoza, Press coordinator ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) Pangasinan, hindi magandang bahagi ng kultura ng isang isang Pilipino ang ganitong gawain .

Giit niya na kailangan na may magreklamo at magsampa ng kaso.

--Ads--

Sa kanyang pananaw may pagkakaiba ngg pagbibigay ng mga bagay bagay at pagbibigay ng pakurong o pera.

Kumbaga yung pagbibigay ng mga bagay bagay bilang pagpapakilala o gustong maging malapit sa mga tao habang ang pagbigay ng pera ng palihim ay ibang usapan na.