Napansin ng ilang boxing analyst dito sa lalawigan ng Pangasinan na tila nawala na ang power knock-out punch ni eight-division champion Manny Pacquiao.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Morts Ortigoza, kilalang boxing analyst dito sa lungsod ng Dagupan, sinabi nito na napanatili ni Pacman ang kanyang bilis at lakas ngunit bigo naman itong iknock-out si dating undefeated American boxer Keith Thurman.
Kung nagawa rin aniya ni Thurman na mapatumba si Pacquiao sa kanilang laban kahapon ay posibleng natalo ang Pinoy ring icon dahil marami rin itong natanggap na suntok mula sa Amerikanong boksingero.
Ayon kay Ortigoza, maituturing na “close fight” ang nangyaring paghaharap ni Thurman at Pacquiao lalo na’t split decision nag naging resulta.