Tinututukan na ng pulisya ang isang potensyal na armadong grupo sa lalawigan ng Pangasinan na posibleng maging banta ngayong nalalapit na halalan.

Ayon kay PCOL. Richmond Tadina, acting provincial director ng Pangasinan Police Provincial Office , ang Raul Sison Criminl Group ay patuloy na nilang minomonitor ito bagamat maituturing na itong ‘downgraded’ dahil na rin sa 11 miyembro nito ay dalawa na ang namatay, walo ang naaresto habang aapat na lang ang patuloy na nilang pinaghahanap.

umanong magandang senyales sa pagkakaroon ng matiwasay na eleksyon.

--Ads--

Sa ngayon ay wala pa umano silang itinuturing na hotspot bagamat kanila na ring dinodobleng binabantayan ang mga bayan ng Sual, Urbiztondo at Sto. Tomas na siyang may mga naitalang insidente ng karahasan sa mga nakalipas na halalan.

Pagtitiyak naman nito na patuloy nilang pinaiigting ang kanilang pagbabantay para masigurong magiging ligtas ang mga residente sa kabila ng mainit na laban sa pulitika.

Samantala sinabi naman nitong malaking hamon pa rin sa kanilang hanay ang pagiimplementa ng mga minimum public health standards kung saan hiling nito ang pakikiisa ng mga mamamayan.