Dagupan City – Ikinababahala ngayon sa Estados Unidos ang Post Election Fever hinggil sa 2024 US Election Result.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Ludovico Baqueriza III, Bombo International News Correspondent sa New York, USA, marahil kasi aniya ay may mga mangyayaring hindi inaasahan sa pagtanggap ng kung anumang magiging resulta ng eleksyon. Gaya na lamang ng banta at karahasan.
Ipinaliwanag naman ni Baqueriza kung paano nga ba ang proseso ng US election, aniya, hindi general majority sa bansa ang nasusunod ito kundi – kung sino ang majority sa isang estado.
Kung kaya’t maski hindi ka panig sa isang kandidato, kung siya ang pinili ng state majority at state representatives ay sa kaniya pa rin mapupunta ang boto ng mga ito.
Sa kasalukuyan, dikit na dikit naman aniya ang resulta ng per poll sa bansa, kung kaya’t masiyado pang maaga para sabihin kung sino ang lumalamang sa dalawang magkalaban, ang representante ng democrat ni si US Vice President Kama Harris o ang representante ng republican na si Former US President Donald Trump.
Samantala, sa tinatayang higit 2 Milyon Filipino voters aniya sa bansa, nasa 68% ng mga ito ay pumapanig sa democrat habang ang natitira naman ay nasa republican.