Dagupan City – Nagpatupad ng pansamantalang One Way traffic Scheme ang Public Order and Safety Office sa ginagawang kalsada sa parte ng Perez Boulevard sa lungsod ng Dagupan.

Ayon kay Rexon De Vera, Deputy Chief ng nasabing opisina, napag-usapan na katuwang ang POSO Chief na ipatupad ito dahil sa isinagawang backfilling o pagtabon ng DPWH sa kalsada noong linggo dahil sa nagpapatuloy na konstruksyon.

Aniya, noong lunes pa ito sinimulan, kung saan ang makakadaan lamang ay mga galing sa West papuntang east habang ang mga galing ng eastern part papuntang west ay maari na lamang silang dumaan sa rivera st. to zamora st. o papuntang Tapuac pabalik sa perez Boulevard dahil hindi sila maaring dumeretso dito.

--Ads--

Layunin nito na hindi magkaroon ng matinding trapiko sa kalsada sa lugar kung saan nagdagdag sila ng mga enforcers para mamonitor.

Samantala, sa parte naman ng Burgos St. Extension sa barangay tapuac ay nagkaroon ng pagbigat ng daloy dahil parin sa pagsasagawa ng isang linya ng kalsada ngunit maari naman itong madaanan ng mga papuntang lucao at pabalik.

Aniya na nasa 8 o 10 mga enforcers ang nakaantabay sa lugar kapag pumapatak ang 6:30 hanggang 8:00 lalo na kapag may pasok ngunit kapag nakapasok na ang mga estudyante sa kani-kanilang eskwelahan ay nagiging 2 o 3 na ang enforcer dito habang ang iba ay bumabalik sa kanilang pwesto lalo na sa mga lugar na maaring magsanhi ng trapiko.

Nagpatupad din ang POSO ng pansamantalang one-way traffic scheme sa bahagi ng Perez Boulevard dahil sa isinasagawang pagkukumpuni ng kalsada. (Oliver Dacumos)