Binabatikos umano ng isang Municipal Councilor ang POSO Mangaldan, dahil sa paninilong ng mga ito ngayong nararanasan ang mataas na heat index.
Ayon kay Gerardo Ydia, ang Posos Chief ng Mangaldan, binabatikos umano sila ng isang hindi pinangalanang councilor dahil sa kanilang pagpili ng mga lugar na masisilungan sa gitna ng trabaho.
Ayon kay Ydia, ang hangarin nila ay ang maglaan ng pansamantalang proteksyon mula sa matinding init ng araw upang mapanatiling malusog ang kanilang mga tauhan.
Giit ni Ydia, kung ang sitwasyon ng kalsada ay maayos at walang aberya, wala namang dahilan upang manatili pa ang mga poso personnel sa gitna ng kalsada. Nais lamang nila na mapangalagaan ang kalusugan ng bawat isa sa kanila, lalo na’t ramdam ang mataas na heat index sa mga nakaraang linggo.
Sa kabila ng mga batikos, patuloy ang Posos sa Mangaldan na magsagawa ng kanilang mga tungkulin, ngunit pagliinaw naman nito na hindi rin dapat kalilimutan ang kahalagahan ng kalusugan at kaligtasan ng kanilang mga tauhan.