Dagupan City – Nananatiling maayos at manageable ang daloy ng trapiko sa mga kakalsadahan sa bayan ng Lingayen sa kabila ng pagdoble ng bilang ng mga tao at motorista pagsapit ng rush hour.
Ayon kay Lingayen POSO Chief Faustino Ferrer Jr., nasa kabuuang 31 ang bilang ng kanilang mga personnel na nakadeploy kaya’t maayos na naidedesegnate ang mga ito sa bawat lugar at mga kakasaldahan.
Aniya, isa sa kanilang mga nagiging problema ay ang mga pasaway na indibidwal na hindi sumusunod sa batas trapiko at mga ordinansa na ipinapatupad gaya na lamang sa hindi pagsunod sa tamang parking area sa kanilang mga sasakyan at hindi paggamit ng pedestrian sa kanilang pagtawid na nagiging sanhi ng mga insidente at aberya para sa mga motorista.
Ani Ferrer may mga designated area naman para sa parking area gayundin para sa tamang loading at unloading ng mga pasahero, kaya dapat sundin ito ng mga motorista nang sa gayon ay maging maayos at ligtas ang kumunidad.
Dahil dito, tiniyak naman ng kanilang ahensya ang maigting na pagbabantay sa mga kakalsadahan sa bayan.