Target ngayon ng Public Order and Safety Office o POSO Dagupan na maitala na sa kanilang record ang eksaktong bilang ng mga kolurom na tricycle na namamasada sa lungsod bago pa man sumapit ang 2019 midterm elections.
Ito ang inihayag ni kay Jovel Dondo, Traffic Aide 1 at Radio Operator ng POSO sa ekslusibong panayam sa kanya ng Bombo Radyo Dagupan.
Ayon sa opisyal, plano nilang tapusin ang problema sa mga kolorum na tricycle bago pa man sila maging abala sa paghahanda sa nalalapit na eleksyon. Aniya, sa firt quarter ng taon ay kelangan na umano nilang malaman kung ilan ang eksaktong bilang ng mga kolurom na sasakyan sa Dagupan.
Kaugnay naman nito inihayag ni Dondo na patuloy ang pagdagsa ng ilang mga indibidwal sa kanilang tanggapan upang kumuha ng kani-kanilang prangkisa. Sa katunayan pa nga, ayon sa opisyal, ay umaabot sa bilang na 20 pataas ang nagtutungo dito kada araw. with reports from Bombo Mariane Esmeralda