Tiniyak ng POSO Calasiao, na magiging maayos ang mga pwesto ng mga nagtitinda at parking areas para sa mga bibisita ng kanilang mga yumaong mahal sa buhay sa darating na Undas.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Beejay Peralta – Officer in Charge ng Public Order and Safety Office sa naturang bayan, pinapayagan pa rin sila ng Lokal na Pamahalaan na magbenta sa kanilang mga pwesto hanggat hindi sila nagiging dahilan ng pagbigat ng trapiko.

Bagamat kapag sila ay umaalis naman sakanilang mga pwesto ay kanilang sinisiguro na malinis nila itong iiwan.

--Ads--

Samantala, patungkol naman sa mga parking ares sa darating Undas, maaaring gamitin ang kanang bahagi ng kalsada patungong public cemetery, sa harapang bahagi ng gasoline sation malapit sa public cemtery, sa harapan ng cockpit arena, at sa harapan din ng private cemetery.

Inaasahan naman na pinakamarami ang dadagsa sa public cemetery na siya namang pinakatututukan ng mga opisyal ng POSO at ilan pang mga kapulisan.

Maging ang maliit na sementeryo sa isang brgy. sa kanilang bayan ay kanila ring tututukan.