Dagupan City – ‎Patuloy ang koordinasyon ng terminal management at mga operator para masigurong maayos ang takbo ng biyahe bago umabot sa peak ang holiday travel at maiwasan ang anumang abala sa mga uuwi ngayong Kapaskuhan.

Ibinaba ng Public Order and Safety Office (POSO) sa bayan ng Calasiao magiging paghahanda at traffic plan para sa Calasiao Puto Festival na gaganapin mula Disyembre 5 hanggang 13.

Ayon kay POSO Chief Rollie Dela Cruz, nakatakdang umarangkada ang pagdiriwang sa Disyembre 5 sa pamamagitan ng motorcade na magsisimula ng 6 a.m. at mananatiling bukas ang mga pangunahing kalsada sa unang araw.

--Ads--

Sa Disyembre 6, sisimulan ang malawakang paghahanda mula 6 a.m., kabilang ang pagdaraos ng street dance. Dito magsisimula ang road closure na tatakbo mula 4 p.m. hanggang 12 midnight.

Bahagi ng initial rerouting plan ang pagsasara sa likod ng simbahan, sa PCP 1 sa gilid ng Central School, at sa harapan ng mall.

Bukas naman ang San Vicente Road para sa mga pampubliko at pribadong sasakyang maaari ring dumaan patungong Malasiqui, Bayambang, at San Carlos.

Aniya na inaasahan ang malakas na dagsa ng tao at posibleng mabigat na daloy ng trapiko, lalo na sa paligid ng W.A. Jones Street, magkakaroon naman ng pagbubukas ng dalawang lane sa Poblacion East kasabay ng clearing operations ng POSO.

Katuwang ng ahensya ang PNP Calasiao at iba pang ahensya sa pagpapanatili ng seguridad. Magkakaroon naman ng full deployment na binubuo ng 56 POSO personnel, kasama ang pinalawig na duty para masiguro ang kaayusan.

Nagpaalala rin ang mga otoridad sa publiko na maging mapagmatyag at bantayan ang personal na gamit upang makaiwas sa krimen.

Inaasahang magiging masigla ang pagdiriwang at layon ng mga kinauukulan na maging maayos at ligtas ang buong selebrasyon.