Bukod sa heat stroke, mahigpit ding binabantayan ngayon ng Pangasinan Provincial Health Office ang ang posibleng paglubo at pagtaas ng kaso ng mga indibidwal na tinatamaan ng acute gastroenteritis dito sa lalawigan.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Dra Cielo Almoite, Tagapagsalita ng PHO Pangasinan, sinabi nito na isa sa kanilang tinututukan ang acute gastroenteritis — isang sakit na karaniwang may dalang sintomas na pagtatae at pagsusuka.
Aniya, Dahil mainit ang panahon, mas madali umanong mapanis ang mga pagkain, isang suliranin kapag mas naeengganyo ang mga tao na bumili ng mga inumin o anumang pampalamig sa tabi-tabi. Kung kontaminado umano ang tubig at yelong ginamit, maaari itong maging sanhi ng sakit.
Bukod pa dito, minomonitor din ng kanilang tanggapan ang ilan pang sakit na
nakukuha sa tag init tulad na lamang ng mga skin diseases o sakit sa balat, tigdas at bulutong tubig.
Kasabay naman nito ay ang paalala ng opisyal sa publiko na huwag balewalain ang kahit anong karamdaman at agad umano itong ikonsulta sa mga doktor o espesyalista. int. of Bombo Framy Sabado//Zona Libre Program