DAGUPAN CITY – Pinaghahandaan sa isang lungsod sa U.S. ang posibleng pagsabog ng isang bulkan doon.

Inalerto ang nasa 300,000 na residente sa lungsod sa Alaska dahil sa patuloy na seismic activity ng Mount Spurr.

Iniulat ng Alaska Volcano Observatory (AVO) na 55 lindol ang naitala sa Mount Spurr noong nakaraang linggo.

--Ads--

Ang nasabing bulkan ay kasalukuyang nasa yellow ‘advisory’ warning status.