BOMBO DAGUPAN- Isa namang pangako gaya ng pangakong bababa sa P25 per kilo ang bigas.

Ito ang tinuran ni Cathy Estavillo – spokesperson ng Bantay Bigas kaugnay sa pahayag ni Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na posible raw bumaba ang presyo ng bigas simula sa susunod na buwan.

Sa panayam sa kanya ng Bombo Radyo Dagupan, sinabi ni Estavillo na sa nakalipas na 5 na taon na implementasyon ng Rice Tariffication Law (RTL) ay hindi na bumaba ang presyo ng bigas at nagpatuloy pa sa pagtaas hanggang ngayon.

--Ads--

Ang pangako ng batas na ito ay matitiyak ang sapat na supply ng bigas at bababa raw ang presyo ngunit lahat ng pangako ay kabaliktaran ang nangyari.

Kaya giit niya na dapat na ibasura na ang nasabing batas at irehabilitate ang sektor ng agrikultura sa pamamagitan ng pagkakaloob ng subsidy sa mga magsasaka. Iminungkahi rin niya na palawakin pa ang taniman sa bansa habang lumalaki din ang populasyon.

Dagdag pa niya na ang mga nagsasabi umanong epektibo ang batas ay pawang mga millers, traders o importers na nakinabang sa limang taon na implementasyon ng nasabing batas.