Mayroon ng nakikitang posibleng motibo sa pamamaslang sa mag-ina sa bayan ng Sta. Barbara, Pangasinan na hindi muna inilantad ng awtoridad dahil nagpapatuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon.

Ayon kay PSMS Emmanuel Casaclang, investigator on case ng Urdaneta City PS, galing ang mag-inang sina Francisca Menesis Peralta, 86 anyos at Demetria Peralta Menesis, 49 anyos, mula sa kanilang bahay sa Brgy Pataya sa bayan ng Sta. Barbara patungo sa lungsod ng Urdaneta nang pagbabarilin ang mag-ina na sakay ng isang Montero sa Diversion Road ng Brgy Nancayasan ng apat na hindi pa natutukoy na mga riding in tandem na suspek gamit ang hinihinalang kalibre 38 na baril.

Ligtas naman ang kasama ng mag-ina na isang pastor na si Benjamin Mangalonzo, 62 anyos na tubong Tondo, Manila.

--Ads--

Dahil dito, kapwa nagtamo ng tama ng baril ang mga biktima sa ulo habang agad na tumakas ang mga suspek sa hindi natukoy na direksyon matapos ang insidente.

Isinugod ang mga biktima sa Urdaneta District Hospital sa Brgy Dilan-paurido, Urdaneta City ngunit idineklarang DOA ng kanilang attending physician.

Nagsasagawa ngayon ng dragnet operation ang kapulisan para sa posibleng pag-kaaresto sa mga nakatakas na suspek.