Nagbabala si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na may pera ang posibleng mastermind sa missing sabungeros case para makapag-inflitrate kahit pa ang korte ng Pilipinas.

Ani Remulla, mahirap ang makakalaban sa naturang kaso dahil sa maaaring magawa ng pera nito at isa umano ito sa kanilang pag-uusapan ni Chief Justice Alexander Gesmundo.

Ito ay dahil mabigat ang pera na pumapasok sa e-sabong at hindi ito basta-basta.

--Ads--

Hindi naman sinabi ni Remulla ang pagkakakilanlan ng pinaghihinalaan nilang mastermind dahil sa makakaapekto ito sa progreso ng kaso.