Bombo Dagupan– Mahigpit na binabantayan ngayon ng Provincial Agriculture Office ang posibleng maging epekto ng nararanasang init ng panahon gaya na lamang ng pagkamatay ng mga alagang isda ng mga mangingisda sa lalawigan.


Ayon kay Zenaida Ugaban, Supervising Agriculturist hindi maganda sa mga isda ang mataas na temperatura kaya’t isa sa kanilang binabantayan ang pagiwas sa pagkakaroon ng massive mortality o fish kill dala ng init ng panahon at mataas na stocking density ng mga fish pond operator.


Dagdag pa nito na mayroong ideal range ng init ng panahon na kinakailangan ng isda para mas maganda ang paglaki ng mga ito sa mga fishcages.

--Ads--


Bagamat hindi na bago ang problemang ito sa mga operator o fisherfolks na nagbabangus at nagtitilapia, aniya napaghahandaan na din nila ito gayundin ang mga dapat gawin kapag sumasapit ang summer o dry season.


Dahil dito, patuloy ang kanilang pagbibigay impormasyon sa mga mangingisda at fish pond operators na dapat maging maayos ang pamamalakad sa palaisdaan at bawasan ang stocking density.