Todo higpit sa pagbabantay ngayon ang Philippine National Police o PNP Region 1 sa posibilidad ng pagkakaroon ng malawakang drug trade sa Rehiyon, kasunod na rin ng pagkakakompiska ng P124 milyong halaga ng shabu sa 4 na Chinese Nationals partikular na sa lungsod ng Urdaneta dito sa lalawigan ng Pangasinan.
Ayon kay Police Regional Office 1 Information Officer P/Lt. Col. Mary Crystal B. Peralta, asahan na umano na mas magiging puspusan pa ang gagawin nilang kampanya kontra iligal na droga upang matigil na umano ang pagpupuslit nito.
Layunin din umano ng mga otoridad na malinisan na ang Rehiyon Uno laban sa mga iligal na aktibidad na madalas ay mga dayuhan umano ang nasasangkot.
Patuloy naman ang paghikayat ng kapulisan sa publiko na makiisa sa kanilang kampanya kontra illegal drugs.
Pahayag ni Peralta, ang pagpapanatili ng kaayusa’t kapayapaan ay hindi lamang responsibilidad ng mga nasa law enforcement unit ng gobyerno kundi ng lahat ng mamamayang nasasakupan na maging maingat sa bawat pagkilos at maging mapagmasid sa mga nakapaligid lalo kung nasa pampublikong lugar. //with report from Bombo Badz Agtalao