DAGUPAN CITY- Umabot sa 30-40% ang naapektuhan na bahagi ng isang poultry farm sa nangyaring sunog sa lungsod ng Urdaneta kahapon.

Ayon kay SF01 Ruel Garcia ang Chief for Operation ng BFP Urdaneta City na nangyari ang sunog sa Zone 7 Barangay Cabaruan sa lungsod ng umaga bandang alas 10:30 at naapula naman ng alas 11:41 din ng umaga.

Naglalaman ito ng nasa libo-libong manok na dapat ay ihaharvest na ng kinabukasan nito ngunit ang iba dito ay nasunog.

--Ads--

Aniya na medyo nahirapan umanong makarating sa lugar ang kanilang grupo dahil sa lokasyon nito na medyo malayo sa kalsada at ito’y nasa bundok.

Saad pa nito na walang nasaktan o nasugatan sa insidente habang hindi pa matukoy ang pinagmulan at sanhi ng sunog maging ang danyos nito.

Ito na ang pangalawang insidente ng sunog sa Urdaneta City ngayong Marso kung saan ang una ay ang nangyaring sunog sa isang bahay sa Barangay Santo Domingo.

Dahil sa pangyayaring ito, muling nagpaalala si SFO1 Garcia sa publiko, lalo na ngayong Fire Prevention Month, na maging maingat at iwasan ang mga bagay na maaaring magdulot ng sunog sa kanilang mga tahanan at establisimyento.