Dagupan City – Umani ng sari-saring opinyon mula sa ilang French politicians ang pagbisita ni Pope Leo XIV sa France, partikular sa isinagawang mga aktibidad nito sa Paris at sa pagdalo ng daan-daang libong katao sa kaniyang outdoor Mass sa Place de la Concorde.
Ayon kay Vladelyte Valdez, Bombo International News Correspondent sa Paris, France, naging kapansin-pansin ang pagbisita ng Santo Papa sa political establishment dahil sa pagiging secular ng France, kung saan malinaw ang paghihiwalay ng politika at relihiyon.
Gayunman, sinabi niyang nananatiling mahalaga ang mensahe ng Santo Papa tungkol sa kapayapaan, pagkakaisa at pananampalataya.
Nagkaroon din umano aniya ng mga reaksiyon mula sa ilang politicians kaugnay ng pagdalo ng mga opisyal sa misa at paggamit ng public space para sa isang malaking religious event.
May ilang tumalakay sa usapin ng laïcité o separation of church and state, habang dumalo naman ang iba’t ibang political figures sa misa.
Kaugnay nito, tinatayang nasa 700,000 katao ang dumalo sa open-air Mass ni Pope Leo XIV sa Place de la Concorde.
Sa kaniyang homiliya, hinikayat ni Pope Leo XIV ang mga kabataan at mga Katoliko na patuloy na hanapin ang kahulugan ng buhay sa pamamagitan ni Kristo at ibahagi sa iba ang pag-asa, kapayapaan at pagmamahal.
Home International News Pope Leo XIV, umani ng sari-saring reaksiyon mula sa ilang French politicians...










