Ipinagdasal ni Pope Leo XIV ang mga biktima ng lindol sa Cebu.
Sa kaniyang lingguhang misa sa St. Peter’s Square sa Vatican kasabay ng pagdiriwang ng Jubilee of Migrants and Missionaries ay isinama niya ang mga nasalanta ng lindol.
Sinabi nito na manatili sanang magkaisa at magtiwala sa Panginoon.
--Ads--
Una ng nagpaabot ng pakikiramay ang Santo Papa isang araw matapos ang pananalasa ng lindol.
Naging malapit sa kaniya ang Cebu dahil sa napuntahan na niya ito ilang taon na ang nakakalipas.
Magugunitang nasa 72 katao ang nasawi kung saan ang lubhang tinamaan ay ang Bogo City.
Aabot din sa 294 ang sugatan at mayroong 20,000 na iba pa ang lumikas sa kanilang mga bahay.