Nanawagan si Pope Leo XIV nitong Linggo na itigil na ang digmaan sa Ukraine at igalang ang international humanitarian law matapos na dumarami ang mga sibilyang nasasawi at nasusugatan sa magkabilang panig.

Sa kanyang mensahe bago ang Angelus prayer, sinabi ng Santo Papa na itigil na ang mga pag-atake laban sa mga inosenteng tao, kabilang ang mga bata.

Batay kasi sa datos ng United Nations, mahigit 16,000 sibilyan na ang nasawi sa halos apat at kalahating taon ng giyera sa pagitan ng Ukraine at Russia, na karamihan sa mga nasawi ay mga Ukrainian.

--Ads--

Sinabi rin ng UN human rights office na tumaas nang higit sa 1/3 ang bilang ng mga nasugatan at nasawi na sibilyan sa Ukraine noong unang kalahati ng taon.

Samantala, nagsasagawa rin ang Ukraine ng mga serye ng drone attacks sa Russia. Ayon sa isang opisyal ng UN, mayroon ding mga sibilyang nadamay na sa Russia.

Sa pinakahuling insidente, napinsala ang Odesa seaport sa isang overnight Russian attack, ayon kay Ukrainian President Volodymyr Zelenskiy. Walong katao naman ang nasugatan sa lungsod.

Habang sa Russia, limang katao ang nasawi sa isang overnight Ukrainian drone attack sa lungsod ng Belgorod, ayon sa regional crisis center. | via Bombo John Florez