Nanawagan si Pope Leo nitong Linggo na itigil ang karahasan sa Yemen upang matiyak ang kapayapaan at matugunan ang krisis sa pagkain, tubig at serbisyong medikal, lalo na sa lungsod ng Taiz.

Sa kanyang mensahe sa St. Peter’s Square, nagpahayag din ang Santo Papa ng pakikiramay sa mga nasawi at nasugatan sa umano’y teroristang pag-atake sa isang Orthodox church sa Jordan noong Biyernes.

Ito ang unang pagharap niya sa publiko matapos sumailalim sa operasyon noong Oktubre 13 upang alisin ang ibabang bahagi ng kanang baga dahil sa adenocarcinoma, isang uri ng kanser sa baga.

Ayon sa Vatican, hindi na kailangan ng karagdagang therapy ng 71-anyos na Santo Papa matapos ang operasyon.

Hindi rin siya dadalo sa pagtitipon ng mga lider ng relihiyon sa Assisi, Italy, sa Martes, alinsunod sa payo ng kanyang mga doktor upang makapagpahinga at ganap na makarekober.