Nanawagan si Pope Leo Pope Leo XIV na magnilay sa lahat ng ginawa ng Panginoon para sa tin sa nagdaang taon, at humingi ng kapatawaran sa lahat ng pagkakataon na nabigo tayong pahalagahan ang Kanyang mga inspirasyon at paunlarin ang mga talento na ipinagkatiwala Niya sa atin.

Hinikayat ni Pope Leo IV ang mga mananampalataya na tapat na suriin ang kanilang mga konsensiya habang papatapos ang taon.

Pinangunahan ni Pope Leo IV ang unang Vespers at ang Te Deum sa St. Peter’s Basilica sa Vatican nitong Miyerkules, Disyembre 31, 2025.

--Ads--

Nanawagan si Pope Leo IV sa mga mananampalataya na magpasalamat sa mga nagdaang pangyayari, tapat na suriin ang ating mga konsensiya, humingi ng kapatawaran, at ipagkatiwala sa awa ng Diyos ang landas na tatahakin sa hinaharap.

Ilan sa mga ito ay masasaya, aniya, gaya ng paglalakbay-pananampalataya ng napakaraming deboto sa pagdiriwang ng Banal na Taon; ang iba naman ay masakit, tulad ng pagpanaw ni Pope Francis, at ang mga tagpo ng digmaan na patuloy na gumigimbal sa buong mundo.