BOMBO DAGUPAN- Inaprubahan ni Pope Francis ang kauna-unahang millenial saint ng simbahang Katolika, kamakailan lamang.

Ito ay si Carlo Acutis o ang tinatawag na “God’s Influencer”, isang London-born Italian teenager, ang isang mahimalang ginawa nito noong July 2022.

Himalang iniligtas kase ni Acutis ang isang batang lalaki, apat na taon nang nakalilipas.

--Ads--

Kilala din si Acutis sa kaniyang pagpapalaganap ng paniniwala gamit ang online platform.

Ginugol ni Acutis ang kaniyang maikling buhay sa pag-eebanghelyo bago ito mamatay sa sakit na leukemia noong 2006 sa edad na 15.

Nagkaroon din siya ng iba’t ibang katawagan katulad na lamang ng “blessed of the internet” o ang “Cyberapostle”.