Kailangan ng political will para makamit ang P20 na halaga ng kada kilong bigas.
Ito ang tahasang sinabi ni Cathy Estavillo – Spokesperson ng grupong Bantay Bigas kaugnay sa pangako ni president elMarcos na P20/kilong bigas, bagay na nakikitang imposible ng mga progresibong magsasaka sa kasalukuyang “liberalisasyon” at “deregulasyon” ng sektor ng agrikultura.
Naniniwala Estavillo na makakamit ang P20 na kada kilong bigas kung paglalaanan ng malaking pondo sang agrikultura at pagtalikod sa liberalisasyon, polisiya at mga patakaraan na ipinatupad ng nakaraang administrasyon at dating kalihim ng Department of Agriculture.
Sinabi pa niya na dapat tutukan ni Marcos ang problema sa smuggling sa mga produktong agrikultural.
Dagdag ni Estavillo na Kailangan na magdisisyon sa sarili si Marcos at hindi susundin ang mga dating patakaran at polisiya kung talagang nais niyang mapababa ang presyo ng bigas.
Samantala, panawagan ni Estavillo na dapat ipakita ang pagiging sensiro ni Marcos sa kanyang mga pangako noong siya ay nangangampanya pa lamang.
At sa kanyang nalalapit na pag upo ay bigyang pansin ang idustrioyaa sa pagkain sa pamamagitan ng paglalaan ng pondo para magkaroon ng food security sa bansa.