Kinomendahan ni 6th District Board Member Ajerico “Ming” Rosario ang ginagawang political will ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pag-utos sa pagsasagawa ng road clearing sa iba’t-ibang panig ng bansa.

Ayon kay Rosario ang ginawang utos na ito ni Pangulong Duterte ay malaking tulong at pakikinabangan hindi lamang ng panahong ito kundi ng mga susunod pang henerasyon.

Sana matagal na aniya itong ginawa.

--Ads--

Naniniwala naman si Rosario na sa kabila ng mga reklamo lalo na ang mga naapektuhan ng proyekto ay pasasalamatan pa ito ng nakararami pagdating ng panahon.

Inihayag naman ni Rosario na napag usapan sa kanilang regular session na hikayatin ang mga naapektuhang kababayan na idulog na lamang sa korte kung silay may reklamo.

Maari aniyang maging matagal ang proseso ngunit walang magagawa dahil itoy legal na hakbang.