DAGUPAN CITY- Malaki ang nagiging gampanin ng mga social media vloggers sa pananaw ng mga Pilipino ukol sa usaping politikal.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Jonathan De Santos, Chairman ng National Union of Journalists of the Philippines, hindi na kataka-taka kung bakit maraming tumatangkilik sa mga content creators na ito dahil sa kanilang mga strategies upang makuha ang atensyon ng mga tao.

Aniya, mayroon silang karapatang magbigay ng soloobin at ginagamit nila ang kani-kanilang mga sariling estilo upang bumenta sa mga mamamayan.

--Ads--

Hindi rin umano maaaring padalos-dalos ng desisyon o mga sinasabi ang mga taong nasa media hindi tulad ng ilang mga political vloggers dahil may inaalagaan silang mga reputasyon at pangalan.

Dagdag niya, dapat na maging kritikal at mapanuri ang mga tao sa kanilang nasasagap na impormasyon dahil maaari itong maka-apekto sa kanilang pamumuhay.