Hindi bababa sa 36 katao ang nasawi sa India habang 50 naman ang sugatan matapos magkaroon ng stampede sa isang political rally na pinangunahan ng isang aktor na kumakampanya para sa eleksyon.

Ayon kay Ma Subramanian, health minister sa Tamil Nadu, kabilang sa mga nasawing biktima ay 8 bata at 16 na kababaihan.

Nagsimula ang stampede nang magsalita si Actor/Politician Joseph Vijay Chandrasekhar habang ito ay nakatayo sa taas ng isang bus.

--Ads--

Si Vijay ay isa sa mga kilalang aktor sa lugar at nagkaroon ito ng public meeting nang ilunsad niya ang kaniyang partido sa politika.

Itinigil naman nito ang pagsasalita nang makitang nahihirapan makapasok ang mga ambulansya dahil sa dami ng mga tao, at humiling ito sa mga tagahanga na padaanin ang mga ito.

Nagpost naman si Vijay sa kaniyang social media ng pakikidalamhati sa mga nabiktima.

Nagpaabot din ng pakikidalamhati si Prime Minister Narendra Modi at hinihikayat ang publiko na makipagtulungan sa mga doktor at kapulisan.

Nag-anunsyo naman si Chief Minister MK Stalin na mabibigyan ng tig-1 million Indian rupees o higit P600,000 sa mga naulilang pamilya.