Dagupan City – Binababoy ng mga Political Leader’s sa Pilipinas ang institusyon ng saligang batas sa bansa.

Ito ang binigyang diin ni Atty. Michael Henry Yusingco, Political Analyst, hinggil sa mga napapaulat na kaganapan sa pamahalaan.

Gaya na lamang ng naging pahayag ng bise presidente sa pagpapaslang sa pangulo, at ang imbistigasyon sa confidential funds.

--Ads--

Kung saan binigyang diin ni Yusingco na hindi dapat isinasantabi ang mga paratang ng bise hindi lamang kay President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr kundi pati na kina First Lady Liza Araneta-Marcos at House Speaker Martin Romualdez.

Samantala, kung pag-uusapan naman aniya ang posibilidad ng korapsyon at krimen, hindi na ito pasok sa kapangyarihan ng mambabatas o house of representatives at in-aid of legislation kundi sasailalim na ito sa ombudsman na siyang may kapangyarihan sa imbistigasyon.

Dito na umano binigyang diin ni Yusingco na ang Commission on Audit (COA) certification ay sapat na para magsagawa ng imbistigasyon ang ombudsman sa confidential funds issue sa bise.