Maaaring magkaroon umano epekto sa ekonomiya ang patuloy na political developments sa bansa kapag lumala ang situwasyon.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Josua Mata, Secretary General ng Sentro ng mga Nagkakaisa at Progresibong Manggagawa (SENTRO), sinabi nito na maaring guluhin ang ekonomiya sa bansa ng sinumang pamilya kung mananaig sa kanila ang pansariling kapakanan o interes.
Aniya, ang away ng mga Marcos at Duterte ay wala umanong kinalaman sa interes ng mga mangagagawa kaya naman nananawagan na huwag hayaan na maligaw sa ingay ng pulitika ngayon.
Paalala nito sa mga mangagawa na hindi kailangan na kumampi sa alinmang panig ng mga nag aaway na pamilya sa larangan ng pulitika.
Mas maganda na ang tutukan ay ang tunay na issue dito gaya ng kawalan ng trabaho,mababang pasahod at ang katotohanan na maraming pamilya ang nagugutom ayon sa SWS survey.
Giit paniya na mahalagang tutukan o asikasuhin ng gobyerno ang patuloy na problema ng mga mangagagawa at huwag hayaaan na maligaw dahil sa kagululuhan na nililikha ng dalawang pamilya.