DAGUPAN CITY- Malaking nakakaapeto sa paggawa ng permanenteng trabaho sa Pilipinas ang kasalukuyang nararanasang Political Crisis sa bansa.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Jerome Adonis, Chairperson ng Kilusang Mayo Uno (KMU), aniya, mahalagang mangialam ang mga manggagawa sa impeachment case nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte dahil sa patuloy na pagtaas ng mga bilihin subalit, nananatiling mababa ang sahod ng mga manggagawa.
Aniya, napapatungan pa ng tax ang mga manggagawa ngunit harap-harapan lamang ninanakaw ng mga opisyal ng gobyerno.
Nagiging ugat ito sa pagkaonti ng budget na inilalaan sa paggawa ng trabaho sa bansa.
Ikinalulungkot pa ni Adonis na maliban sa kurapsyon ay hindi rin sineseryoso ng gobyerno ang paggawa ng trabago na may maayos na pasahod.
Ipinagmamalaki man ng gobyerno ang pagpasok ng mga negosyante sa bansa subalit, hatid lamang ng mga ito ang mga pansamantalang trabaho.
Giit niya, taon taon na itong nangyayari subalit palala lamang nang palala ang problema.
Ipinagmamalaki man ng gobyerno ang pagpasok ng mga negosyante sa bansa subalit, hatid lamang ng mga ito ang mga pansamantalang trabaho.










