DAGUPAN CITY- Naniniwala si Prof. Mark Anthony Baliton, isang Political Analyst, na malabo na rin mapayagan si dating Pangulong Rodrigo Duterte ng International Criminal Court (ICC) na mapauwi sa Pilipinas.

Sa panayam sa kaniya ng Bombo Radyo Dagupan, maaari lamang din magdulot ng malaking political conflict sa Pilipinas ang pag-uwi niya sa bansa.

Gayunpaman, hindi naman naniniwala na hahantong si dating pangulo sa naging pagpaslang kay dating Sen. Bernigno “Ninoy” Aquino at poprotektahan pa ito ng gobyerno.

--Ads--

Subalit maaaring mabago ang politika sa bansa sa maaaring kalalabasan ng pagharap ni Duterte sa ICC.

Samantala, hindi rin nakikita ni Prof. Baliton na mali ang pananatili ni Vice President Sara Duterte sa The Hague, Netherland dahil responsibilidad niya rin ito bilang isang lawyer at anak ng dating pangulo.

Sa kabilang dako, disadvantage naman para sa senate slate ng dating pangulo ang kaniyang pagkawala dahil may papel ito bilang primary endorser. Subalit, maaari rin advantage para sa kanila ang simpatya ng mga tao para makalikom ng karagdagang boto.

Gayunpaman, maliban sa mga ito, mahalaga na mabigyan ng hustisya ang mga buhay na hindi na maibabalik dahil sa mga pagpaslang noong Drug Wars ng Administrasyong Duterte.