Dagupan City – Nanindigan ang Political Analyst na si Atty. Michael Henry Yusingco na mas maipapahayag ng mga resource person ang mga impormasyong kinakailangan kung sa korte isasagawa ang pagdinig.
Aniya, malinaw kasi sa saligang batas na ang inquiries in aid of legislation ay kasama umano sa “right to remain silent” at “right to self-incriminate” ni Cassandra ‘Cassy’ Li Ong, nangangahulugan na may karapatan itong manahimik.
Ngunit kung ikukumpara sa korte, kung saan ay mga husgado at fiscal ang naroroon, mas alam nila kung ano ang gagawin upang mailabas ang nais na impormasyon sa testigo.
Malayo umano ito sa isinagasagawa sa senado na ang alas nila ay ang contempt at pambubully sa resource person na siyang nagreresulta na mistulang sarswela.
May dalawang kahihinatnan naman aniyang maaring mangyari sa inihaing petition ni Ong gaya na lamang ng posibilidad maaring pumanig ang korte suprema sa petitioner na magreresulta sa bpmagbubungguan ng dalawang government branch o mananatiling magsakama ang mga ito laban sa petitioner.
Muli namang binigyang diin ni Yusingco na walang proper training ang mga mambabatas sa fiscal, police, at maging husgado, kaya’t makikita talaga ang kanilang pagkukulang at ang hindi pagiging professional.