Dagupan City – Nanindigan ang Political Analyst sa bansa na hindi dapat senado ang bumusisi kay Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na iniuugnay umano sa iligal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators o POGO at mga kriminals.

Ayon kay Atty. Michael Henry Yusingco, Political Analyst, sinabi nito na law enforcement at national agencies ang dapat na tumutok at humawak ng kaso na kinakaharap ni Guo.

Lumalabas kasi aniya na hindi malinaw kung bakit nagingialam ang senado gayong hindi naman nila ito tungkulin dahil walang legislative objective ang mga ito.

--Ads--

Kung kaya’t katanungan nito na lamang nito, sino dapat ang gumawa ng pagdinig sa kaso ni Guo, dahil wala naman itong koneksyon sa pag-amiyenda at pagpapasa ng batas.