BOMBO DAGUPAN – Tiniyak ng Police Regional Office 1 na walang Philippine Offshore Gaming Operators o POGO dito sa Rehiyon 1.

Ayon kay PBGEN Lou Frias Evangelista, regional director ng Police Regional Office 1, ito ay matapos ang mahigpit na monitoring dito sa rehiyon.

Giit niya na salot ito sa lipunan at marapat lang na ipatanggal dahil mas maraming idinudulot na kapahamakan kaysa sa kagandahan sa bayan

--Ads--

Samantala, dalawa umanong ari arian na hindi naman kalakihan na lote na nakapangalan kay suspended Tarlac Mayor Alice Guo ang nadiskubre sa bayan ng Sual.

Ito ay kanila umanong nalaman sa ginawang pagmonitor makaraang nababanggit sa mga balita na may ari arian si Guo isang lugar sa Rehiyon.

Sinabi niya na maliit lang ang nasabing mga lote at pinaniniwalaang investment lamang ng alkalde.

Samantala, sinuyod na rin umano nila ang lugar na posibleng pagtaguan nito dito sa rehiyon pero hindi nila makita.