DAGUPAN CITY-Maituturing na payapa at maayos ang naging sitwasyon sa katatapos na National and Local Election 2025 sa rehiyon 1 batay sa ulat ng Police Regional Office 1.

Ayon kay Pltcol. Benigno C. Sumawang ang Chief ng Regional Public Information Office ng nasabing tanggapan na may mga isolated case na ulat tungkol sa ilang problema noong halalan ngunit hindi naman ito nagkaroon ng malaking epekto sa kabuuan.

Aniya na sa kasagsagan ng eleksyon ay umikot at bumisita si Regional Director Lou F. Evangelista sa mga polling precincts sa 4 na lalawigan maging ang lahat ng mga opisyal ng bawat probinsya para matutukan ang kalagayan ng lugar at mga deployed personel.

--Ads--

Bukod dito, may mga naitala namang vehicular incident sa ilang kalsada sa rehiyon ngunit hindi naman gaano madami habang may ulat naman sa kanilang opisina tungkol sa vote buying ngunit kasalukuyan pa itong iniimbestigahan.

Kaugnay nito, magpapatuloy parin aniya ang kanilang police visibility sa bawat lugar para sa peace and order ng kani-kanilang nasasakupan hanggang Hunyo 11 kahit tapos na ang halalan .

Samantala, nasa 84 gun ban violations naman ang naitala mula noong enero 12 hanggang sa kasalukuyan kung saan 89 ang nakumpiskang baril at 90 ang naaresto.