Dagupan City – Bilang bahagi sa paggunita ng National Crime Prevention Week ay ibinahagi ng Police Regional Office 1 ang kanilang mga programa at adbokasiya upang maiwasan ang pag laganap ng mga krimen sa rehiyon.
Ayon kay Pmaj. Divina Albino, Chief Public Information Officer ng Police regional office 1, layunin ng kanilang mga programa ng pagsuporta sa whole nation approach against urgency and serious threats security.
Sa pamamgitan nito ay nabuo ang revitalized police program sa mga barangay at sa pakikipagtulungan sa mga local government unit, stakeholders at iba pang mga government agencies.
Layunin nito na mapagtibay ang ugnayan ng mga kapulisan at ang barangay peacekeeping teams para mapanatili ang payapa at maayos na kumunidad.
Bukod dito ay tuloy-tuloy rin ang kanilang ginaagwang community outreach program para maiparating sa mga residente ang programa ng pamahalaan.
Gayundin ang pagbisita nila sa mga paaralan para sa pagsasagwa ng information dissemination gaya na lamang ng seminar ukol sa juvenile, family at gender equality at human rights para sa pag protekta at pangangalaga sa isang tao.
Samanatala, mas lalo naman nilang pianiigting ang 5-mins response rule sa pamamagitan sa pagtawag ng 911 para sa agaraang pag responde sa mga nangangailanagan kaugany sa mga insidente, sunog, medical attention at iba pa.
Ayon naman sa kanilang tanggapan ay bumaba ang crime incidents dito sa rehiyon mula sa 5,364 noong nakaraang taon ngayon ay bumaba ito ng 5, 258 dito sa rehiyon o bumababa ito ng 2% na nagresulta sa kanilang layunin at mga ipinapatupad na programa.