Kumpiyansa pa rin si 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲 𝗢𝗹𝘆𝗺𝗽𝗶𝗰 𝗖𝗼𝗺𝗺𝗶𝘁𝘁𝗲𝗲 (𝗣𝗢𝗖) 𝗣𝗿𝗲𝘀𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁 Abraham “Bambol” Tolentino na makakahakot ng gintong medalya ang Pilipinas sa nagpapatuloy na 20th Asian Games sa Aichi-Nagoya, Japan.
Sinabi nito na sa nagdaang tatlong araw ay tila mailap pa rin ang gintong medalya subalit mayroon pang ilang mga manlalaro ang hindi pa nakakasabak.
Inihalimbawa nito sina tennis star Alex Eala, gymnast Carlos at Eldrew Yulo ganun din si EJ Obiena at ibang mga atleta.
Una ng sinabi ni Tolentino na makakahakot ng walong gintong medalya ang Pilipinas para mahigitan ang nahakot ng gintong medalya ng Pilipinas noong nagdaang tatlong taon.
Sa ngayon ay mayroong isang silver medal at tatlong bronze medals pa lamang ang nakakamit ng Pilipinas na ito ay nasa pang-21 puwesto.










