Walang nakitang anumang sanhi ng foul play ang kapulisan sa natagpuang bangkay ng isang 74-anyos na lola sa bayan ng Bautista.
Ayon kay PCpt. Jaybram Casiano ang siyang chief of police ng Bautista PNP na base sa naging post mortem examination ng doktor ay walang namataang anumang pasa o tama sa katawan ng biktimang kinilalang si Iluminada Masiglat.
Una rito ay Nobyembre 27 nang mawala ang naturang biktima kung saan matapos anilang matanggap ang report ay agad silang nakipagugnayan sa mga kalapit na himpilan para mahanap ang naturang biktima.
Pero Disyembre 7 na lamang ito natagpuan ng isang mangingisda sa Barangay Pogo sa naturang bayan.
Paglilinaw naman nito na natural death ang ikinasawi ng biktima kung saan sa eksaminasyong doktor ay acute respiratory failure at ang antecedent cause of death nito ay cardiogenic shock.