Naisampa na ang kaso at may lumapit na ring testigo kaugnay sa pamamaslang sa isang empleyado ng LGU sa bayan ng San Jacinto, Pangasinan.
Ayon kay Police Major Edgard Allan Serquinia, may lumapit ng testigo na naglahad ng pangyayari kaugnay sa pagpaslang kay Ofelia Castillo, 56 anyos at nagtratrabaho sa Human resource development office ng lokal na pamahalaan ng San Jacinto.
Noong November 23, ay nagsampa na ng kaso ang pulisya laban sa itinuturong suspek.
Sa kasalukuyan ang nakikitang motibo ng pamamaslang ay may kinalaman sa kanyang trabaho.
Walang nalalaman ang kanyang pamilya na nakaalitan ng biktima at tanging nakikita nila ay ang pagiging istrikto nito sa trabaho.
Matatandaan na sakay noon ng kanilang tricycle ang biktima at papaspok na sana sa trabaho nang pagbabarilin ng mga riding in tandem criminals.
Dinala pa sa pagamutan ang biktima pero hindi na inabot na buhay.
Dalawang bala ng caliber 45 ang tumama sa ulo ng biktima ng sanhi ng kanyang kamatayan.