Tiniyak ni PRO1 Regional Director, Police Brigadier General Joel Sabio Orduña na gagawin lahat ng mga kapulisan upang matukoy ang motibo, pagkakakilanlan at maaresto sa lalong madaling panahon ang mga suspek na nanambang sa convoy ni dating Pangasinan fifth district congressman Amado Espino Jr.
Sa Presscon ng PNP kagabi , sinabi ni Orduña na gagamitan nila ng lahat ng resources para sa agarang ikakaresolba ng nsabing insidente.
Sa ngayon ay bantay sarado rin ang PNP sa pamilya Espino para sa kanilang kaligtasan.
Nabatid na bago ang pamamaril ay may mga banta na umano sa kanyang buhay.
Sa ngayon ay hinihintay pa ang report ng SOCO team kaugnay sa bilang ng mga nakitang mga bala at malalaking armas sa loob ng sasakyan na pinaniniwalaang ginamit ng mga suspek.