PNP Region 1 Director Brigadier General Joel Orduña | Photo © Pangasinan Provincial Gov’t. |

Muling pinaalalahanan ni PNP Region Office 1 Director Brigadier General Joel S. Orduña ang kapulisan patungkol sa Internal Cleansing na isinasagawa ng kanilang organisasyon.

Aniya lalo pa nila itong pag-iigtingin at titiyaking maitutuwid kahit ang maliliit na pagkakamaling nagagawa ng kanilang mga miyembro.

Ayon sa opisyal  bumuo sila ng mga grupo na aantabay at magbabantay upang magmonitor at siguruhin ang maayos na pagganap sa gawain ng mga nasa kanilang hanay.

--Ads--

Umaasa  rin si Orduña dadating ang panahon na hindi na kailangan pang bantayan pa ang mga kapulisan upang kanilang gampanan ng maayos ang kanilang mga tungkulin.

Hinikayat din niya ang mga kababayan na isuplong ang mga hindi magagandang gawain na kanilang naoobserba sa kapulisan upang makumpirma at matugunan ito.

Dagdag pa nito  na matagal na daw umanong nagsasagawa ng pagdidisiplina sa kanilang hanay ngunit plano nila na lalo pa itong paigtingin.