DAGUPAN CITY — Nakiisa ang Philippine National Police Press Corps Pangasinan sa isinagawang Tree Planting Activity bilang suporta sa Green Canopy Program kahapon.
Ito naman ay bilang pakikiisa sa programa ng Pamagalaang Panlalawigan ng Pangasinan at Philippine Environment Month para sa selebrasyon ng pangangalaga sa kalikasan.
Ang nasabing aktibidad ay isinagawa sa Pangasinan Ecological Park sa Brgy. Cayanga, Bugallon, nitong Biyernes, Hunyo 7.
Maliban sa PNP Press Corps ay nakibahagi rin sa aktibidad ang Pangasinan Police Provincial Office sa pangunguna ni PMaj. Fernan Rivera, Pangasinan 1st Provincial Mobile Force Company Alaminos City, Pangasinan 2nd Provincial Mobile Force Company Tayug, Bureau of Jail Management and Penology (BJMP)-Dagupan City Female Dorm Jail Chief Inspector Noemi Salbabro, Inner Wheel Club Downtown Dagupan, at iba’t iba pang media agencies.
Kasama ring nakiisa sa Tree Planting activity ang San Roque Power Corporation sa pamamagitan ng pagbibigay ng nasa 500 mga seedling na kinabibilangan ng Palawan Cherry, Acacia, Golden Showe, at Caballero.
Sinabi naman ni PMaj. Rivera na ang kanilang pakikiisa sa aktibidad ay bahagi ng kanilang komtribusyon upang malabanan ang mga epekto ng nararanasang climate change.
Ang 20-ektarya ng Pangasinan Ecological Park ay pinamamahalaan ni Pangasinan Ecological Park Project Implementer Ret. Col. Paterno Orduña.
Nagpahayag naman si Pangasinan Gov. Ramon “Monmn” Guico, III ng kanyang hangarin para sa nasabing parke na maging panibagong tourist destination sa lalawigan.
Maliban sa iba’t ibang uri ng mga puno ay tampok din dito ang fire tree boulevard, botanical garden, organic production, orchard, natural pool, view deck, at marami pang iba.