Patuloy na tinutugis ng mga otoridad ang tatlong pang nakatakas na kasamahan ng limang naarestong miyembro ng tinatawag na ‘gapos’ gang sa Lungsod ng Marikina.

Ayon kay Police Brigadier General Melecio Buslig Jr, ang District Director ng Eastern Police, na modus ng nasabing mga suspek ay maghain ng mga pekeng search warrant sa kanilang target subalit kanilang pagnanakawan at igagapos ang kanilang mga biktima.

Isang pangyayari ay sa Concepcion Dos, sa Lungsod ng Marikina kung saan pinasok ng walong suspek ang isang bahay.

--Ads--

Dahil sa pagiging alerto ay nakatawag ang isang biktima sa kilala nitong pulis kaya agad na nirespondehan ang insidente.

Kasamang narekober sa mga suspek ay ang pekeng search warrant.

Naniniwala si General Buslig na malawak ang operasyon ng mga suspek kung saan maaring mayroon pa silang ibang mga kasamahan sa iba’t-ibang lugar.