Pinag-aaralan na ngayon ng PNP Pangasinan kung may kaugnayan ang dalawang naitalang kaso ng pagpatay ng riding in tandem criminals na naganap sa bayan ng Calasiao at lungsod ng Dagupan nitong weekends.
Sa exclusive interview ng Bombo Radyo Dagupan, inihayag ni P/Col. Redrico Maranan, Provincial Director ng PNP Pangasinan, na natuklasan sa nagpapatuloy na imbestigasyon hingil sa insidente, na sangkot sa pagtutulak ng iligal na droga ang unang biktima na si Edu Gabriana, 42 anyos, isang municipal employee, na pinagbabaril ng riding in tandem sa interior road ng Brgy. Ambonao-Nansangaan sa bayan ng Calasiao.
Habang ang ikalawang biktima na kinilalang si Gerry Palaganas, 43 anyos, isang tricycle driver na residente ng Bangus Ville, Bonuan Gueset, ay tinambangan ng riding in tandem criminals sa bahagi ng Brgy. Bonuan Binloc, dito sa lungsod ay napag-alamang listed bilang number 9 sa drug watchlist ng PNP Dagupan.
Dahil aniya dito ay gumagawa na sila ng link analysis hinggil sa dalawang insidente upang matukoy kung may kaugnayan ang mga ito bagamat, hanggang sa kasalukuyan ay patuloy paring inaalam ang totoong motibo sa pagpaslang sa mga biktima.