Nagpatupad na ng one-strike policy ang PNP Pangasinan at mas pinaigting na nila ang pagbabantay sa kakalsadahan at mga coastal areas para sa pagsalubong sa Bagong Taon.


Ayon sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay PMAJ. Ria Tacderan, kamakailan lamang ay mayroon silang nasampolang isang pulis sa Mangatarem kaugnay sa kaso ng indiscriminate firing at fire cracker incidents kaya’t ito ang kanilang tinututukan.


Sa hanay naman ng mga paputok, mahigpit na ipinagbabawal ng mga kapulisan ang paggamit ng boga na siyang usong uso sa mga kabataan. Sa kasalukuyan aniya ay hindi pa naman umaabot sa 10 ang nakukumpiska nilang boga.
Ipinagbabawal din muna ang paglangoy sa Binmaley beach kaugnay sa kamakailang kaso ng pagkalunod ng isang lalaking nagligtas ng kaniyang mga pamangkin.

--Ads--


Kung tatangkain mang magtungo sa mga babayin, siguruhing hindi nakainom at kung hindi naman aniya marunong lumangoy ay huwag magpupunta sa mga malalalim na parte.

TINIG NI PMAJ. RIA TACDERAN

Bukod pa rito nagbigay naman ng paalala ang naturang opisyal para sa mamamayan na doblehin ang pag-iingat dahil nakapagtala na rin aniya sila ng kaso ng pagnanakaw.
Maging alerto aniya ang mga tao sa ngayon dahil talamak ang pananamantala ng mga masasamang loob.


Nagbigay rin ng paalala si Tacderan para sa mga drayber na kung inaantok at nakainom ay wag na lamang magmaneho upang maiwasan ang vehicular incidents.


Isa rin kasi aniya ang pagdagsa ng mga tao sa mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng ganitong kaso.


Sa katunayan, ayon sa kaniya, umabot na sa 120 ang kaso ng vehicular incident sa Pangasinan sa kasalukuyan.


Dagdag pa niya na dahil umano sa kakulangan ng sanib pwersang lakas ng mga kapulisan, nanawagan ang naturang opisyal sa mga mamamayan na magkaroon ng kooperasyon sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Kung mayroon ang mga itong na-engkwentrong naputukan ay maiging ipagbigay alam sa kanila.

TINIG NI PMAJ. RIA TACDERAN