Nanawagan ng kooperasyon si Philippine National Police Chief Director General Oscar Albayalde sa lahat ng mga kandidato para sa 2019 midterm elections .
Sa kanyang pagbisita sa PNP Regional Office I sa lalawigan ng La Union, hiniling ng opisyal ang kooperasyon at disiplina ng mga tumatakbong indibidwal. Ayon kay Albayalde, kahit na gawin nila ang lahat ng mga dapat gawin para sa pagdaraos ng mapayapa at tahimik na halalan kung hindi naman makikipagtulungan ang mga kandidato ay mauuwi rin ito sa wala.
Mainam umano kung papairalin ang halalan ngayon taon ‘in a civilized way’.
Aniya, gagawin ng PNP o ng kapulisan ang kanilang trabaho at ganoon din sana umano sa mga kandidato.
Kaugnay naman nito, nangako si Albayalde na mas paiigtingin pa ng kanilang hanay ang paghahanda sa nalalapit na halalan upang masiguro ang seguridad at kapayapaan. with report from Bombo Lyme Perez