May motibo ng tinitignan ngayon ang PNP Calasiao, hinggil sa pamamaslang sa isang 44 anyos na babae na natagpuang wala ng buhay sa isang inn sa barangay Cabilocaan, sa bayan ng Calasiao, Pangasinan noong nakaraang linggo.

Una rito, kusang sumuko sa mga otoridad ang suspek na kinilalang si Renato Abalos, 49 anyos, dating Barangay Kagawad, isang tricycle driver at residente sa barangay Darawery Bayambang, Pangasinan.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Police Lt/Col Ferdinand De Asis, OIC ng Calasiao Police station, inihayag nito na umamin ang suspek na nagdilim umano ang paningin nito ng magkaroon sila ng pagtatalo ng biktimang si Brenda Bruno, isang may-bahay, at isang meat vendor na nakatira sa barangay Cabatling sa bayan ng Malasiqui, dahilan upang mapatay ang biktima gamit ang unan.

--Ads--

Bagamat, sa kabila nito, nilinaw ni De Asis na nagpapatuloy parin ang malaliman nilang imbestigasyon sa insidente upang matukoy ang totoong motibo sa krimen.