Dagupan City – Sa Dagupan City, mas pinaigting pa ng pulisya ang kampanya para sa kaligtasan at kaalaman ng kabataan.
Isinagawa ni PCPT Shayne G. Daciego, Police Community Affairs and Development Officer ng Dagupan City Police Station, ang isang talakayan ukol sa Republic Act 11313 o mas kilala bilang Safe Spaces Act o Bawal Bastos Law sa mga mag-aaral ng Grade 10 ng Carael National High School sa Barangay Carael.
Ang aktibidad ay isinagawa sa ilalim ng pamumuno ni PLTCOL Brendon B. Palisoc, Hepe ng Pulisya ng Dagupan CPS. Bukod sa talakayan, nagbahagi rin si PCPT Daciego ng mga tips para sa crime prevention upang makatulong sa mga estudyante na maging ligtas sa paaralan at sa kanilang paligid.
Namahagi rin ng mga flyers ang mga miyembro ng PNP na naglalaman ng Ligtas SUMVAC 2025 safety tips, mga paalala sa paghahanda sa sakuna, at mga gabay sa pag-iwas sa krimen.
Layon ng programang ito na palakasin ang ugnayan ng pulisya at komunidad, at paigtingin ang kaalaman ng publiko lalo na ng mga kabataan tungkol sa kanilang karapatan at kaligtasan.